emo? na naman ba trip ko? from FLickr
- Shame on me kasi I use to lead and love people, evangelize and inspire others, pero sa sarili ko hindi ko maayos.
- Shame on me kasi I have all the wisdom to know what's right from wrong, and yet I still find myself doing the not-so-good things.
- Shame on me kasi sobrang spoonfed ako sa pagmamahal ni God, pero kadalasan hindi pagmamahal ang naibabalik ko sa kanya.
- Shame on me kasi hindi na ako natuto. Nadapa na't tumayo pero madadapa pa rin sa lugar kung san ako nadapa.
- Shame on me kasi wala akong isang salita, I keep on making promises to him pero nasisira ko lang.
- Shame on me kasi I'm living in two identity. pag kaharap ko ang mga tao ay maayos lang ang lahat pero pag ako na lang mag-isa, ay ibang tao na ako. Nagagawa ko ang mga bagay na di maiisip ninuman na magagawa ko yon.
- Shame on me kasi, si God died for me but in some point of my life- its difficult for me to live for him!
- Shame on me kasi nasasaktan ko diyos ko pero habang nasasaktan siya dahil sakin eh mas lalong humihigpit yung yakap niya sa akin.
Sabi nga ni fjordz , naiinggit sya sa akin kasi parang ang lahat na lang ng bagay ay ngini-ngitian ko lang, pati problema looks just easy for me. pero di nila alam, it kills me slowly.
No, its just between me and my GOd. Nahihiya at naasar lang ako sa sarili ko ngayon. Alam ko na tao lang ako at makakagawa talaga ako ng masama at mistakes. Hindi ko din kayang pantayan lahat ng gawa niya sa akin. Sobrang Depressing lang talaga yung mga nakasulat sa taas. At totoo lang din na Desperado din ang diyos sa atin. Haays. May mga pagkakataon lang na nakakalimutan ko kung ano at sino ako. Pati ang purpose ko. Nawawala ako sa focus ko at yung fire ko sa service ay humihina for some reasons.
Para tayong isang pera, mawala man ang dating malutong at malinis na hitsura o malukot man ng sobra-sobra na pwede ng ipang- "touchingball" ay hindi parin nawawala ang halaga. Ganon ang tingin ng diyos satin.Ginawa ko lang? nagdasal lang ako. nag-usap kami. With matching reflections songs sa mp3 ko. Hindi ko lang kasi talaga kaya ang 'Dryness'. hindi ko kaya na malayo siya.
I Badly need my God. pag wala siya, basura ako.
Sana lang maka-relate lahat ng babasa.. haaays. open for suggestments and opinions.