

Isang pamamaalam
Nalulungkot ako ngayong gabi, hindi ko akalaing ngayon din masisira ang aking pinaka-mamahal kong gitara. Ang sama talaga ng pagkakataon, hindi ko alam kung pano ako makaka-move on sa nangyari. Dahil unang-una, sa tatay ko talaga iyon and binigay lang sa akin kasi nakita niya na pwede ako matuto tugtugin yun.
Matagal-tagal na din ang aming pinag-samahan, kung san-san ko na din yan nadala. Pati nga mga humiram ng gitara ko, hindi ko na mabilang. Natuto ako tumugtog ng gitara dahil sa community na kinabibilangan ko. Mamimis ko talaga tong gitarang to. hindi ko alam kung maayos pa yan sa epoxy clay pero mukhang malala ang kanyang pagkasira, tuluyan nang naputol ang pihitan sa neck nito. haays :(

Akala din pala ni Hiraya, siya ang nakasira, basta nagkaroon lang yan ng malaking crack sa isang matinding pagkabagsak, ayun ang malaki kong pagkukulang sa gitarang yan, madalas kong hinihila lang yan kahit alam kong may hawakan ang case, o ihagis lang sa tabi. Hindi ako naging maingat.
Pero sa kabila ng lahat-lahat, nagpapasalamat ako dahil jan ko tinugtog ang unang mga chords at kantang pinag-aaralan ko. Kasama ko yan tuwing inlab na inlab din ako. Kilala ata ng gitara ko ang lahat ng mga babae na napa-ibig ako. Madami akong maibabaon na magandang alaala kasama yan (nagawa ko na ding kayakap ang gitarang yan habang natutulog, seryoso), ganun ako ka-passionate sa musika. Haay. Sana naririnig mo pa ako, Salamat. parang tao lang eh no.
Sana kasama mo na si God ngayon. Paalam mahal kong gitara, Paalam.
Note: Hiraya naman ang nilagay ko puro na lang Fjordz ang naka-link sa mga post ko eh, maiba naman. hindi naman halatang palagi tayo magkasama. hehe. wag ka na makonsensya jan.
GB