Friday, August 22, 2008

AJOY!!! PARTNER! MAMIMISS KITA!!! HAYYY

_____________________________________________________________________________

Yan yung huling message niya sa akin. at ngayun ko lang na-check at nabasa ito sa Friendster ko. . nakakaiyak lang at nagmensahe pa sya ilang araw lang bago sya mawala. at hanggang sa huli, inisip pa din nya ang iba at karamihan..

_____________________________________________________________________________

Kung hindi niyo kilala si Abby Joyce "AJOY" Samson, siya ay isa kong kaibigan sa YFC-FEU, to tell you siya dapat ang aking partner as Senior Sister at ako as President for this school year. Unfortunately, pinagstop sya at di na pinapasok sa skul for a year dahil sa sakit nya..

Last Aug 16, 2008 around 9PM, she died because of Cancer of Lymph Nodes. Nakakalungkot talaga. Ang sakit ng mawalan ng isang kaibigan habambuhay.

Ang SAKIT! hanggang ngayon hindi ko luos maisip na wala na xa. Nakakalungkot talaga.

Nakaka-asar lang isipin.

Di nya kami nahintay. hayy. Andami naming pangarap para sa YFCFEU e.

Sobrang namimiss ko talga si AJOY awat oras! gusto kong umiyak ng sora para malabas lahat ng to. Andami naming pinagsamahan, kulitan, tawanan, asaran, tampuhan, iyakan lalo na ang saya.

Ngayon, sabi nga ng mommy nya, sya na ang angel namin, may mag-guide na sa amin, at higit sa lahat kasama na nya si GOD! alam ko namang masaya na sya sa heaven at nakangiti sa ating lahat. Alam ko masakit at malungkot, pero syempre dapat natin tanggapin na nauna na sya. Hindi nya gusto nakikita tayong malungkot.

She has set an inspiration to everyone; isa syang tunay na misyonero, leader, kaibigan, anak, kaklase, ATE na dapat gayahin ng lahat! Sana yung mga nasimulan nya, mapagpatuloy lang nating lahat. Angel natin sya! Mas lalo natin syang kasama!

Hayyyy..

Mamimiss kita AJOY! Mamimiss ka namin dito!!!

MAHAL NA MAHAL KA NAMIN!!!

see you soon..


Tuesday, August 5, 2008

DEFINE PAGOD!!!

PAPER WORKS FOR OUR FEASIBILITY STUDY - OVERNIGHTS, MEETINGS, PUNTA MARIKINA, PUNTA KUNG SAN MAY MAKAKATULONG SA PROJECT NAMIN! GAAD.

YFC ACTIVITIES - Wahaaa dame den, di ko na naatendan mga HOUSEHOLDS ko saka mga Service Meeting para sa mga dadating na activities! G.A ng YFCFEU namove pa ng date. pati mga papers namin sa student affairs di pa approved... omaygas

no time for myself.. pati kuko ko sa paa, di ko pa napuputol. Hindi na din ako nakakatulog sa aming apartment. garabe diba. but the good thing is, may time pa rin naman makapag-dasal. PraiseGod despite of my busy scheds I still have my time to reflect of what is happening. Sabi ko, spititually dry na ako., pero ngaun unti-unti ko na din nakikita si GOD sa mga pinaggagawa ko lalo na sa mga pinagkakabusyhan ko.

Minsan, God reveals himself on the things we least expected. Di ba nga he loves surprises.. hmm un.

*andito pala ako sa house ng group/classmate ko and we are working for lots of things para sa project namin. nakakatuwa andami naming laptop and may wifi connection dito. Ngaun wala ako ginagawa kaya nagkaron ng time para sa makapag-update sa blog.

"Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest."
Matthew 11:28

un lang muna.
paalam!