Sunday, March 23, 2008

Happy Easter! Egg Hunt! New Layout!!!



He saw and he believed. Truly JESUS has risen from it's tomb and fulfilled the mission that God has bestowed to him!

Hehe! Lupet ng Diyos! Maligayang Pasko ng Pagkabuhay! yes it's Easter Sunday! Easter Egg Hunt na. hehe malamang, hindi na ako papasalihin dito kasi pang-kids lang ang EggHunt dito sa subdivision namin. Pero kadalasan may mga sumasali pa ding mga natatanda.. hahay madaya.

Time to Celebrate for God is alive in us! Celebrate kasi may mga palabas na ulit sa TV! siyempre masaya ako, wala kaya kaming cable dito. haha puro DVD marathon lang ang ginawa namin dito sa bahay, tapos kain, tulog, higa, text, tapos internet! friendster mag-hapon, blog, download.. paulit-ulit! haha sinusulit lang ang bakasyon!

Sa sobrang kaadikan naming magkapatid sa pag-internet, kahapon ng umaga, March 22, 2008 pagkagising ko ay ito ang gumulantang sa amin:

:ang Monitor at ang CPU ay nakabalot sa garbage Bag, hindi yan itatapon, ayaw lang ipagamit.

Sabi ni Mama, kahit ang pag-gamit na lang namin sa computer at pag-internet ang maging fasting namin. At yun nga, halos buong araw kaming di nag-internet at walang galaw sa computer. Pero nung kinagabihan, pumayag naman na.. haha naawa ata kasi mapilit ang kapatid ko. Kulet ng nanay ko noh?

Eto walang kuneksyon, anu masasabi mo sa bago kong Layout? mas maganda ba kesa dati? Pumangit? any Suggestments!? sabihin mo lang! hehe

Let's Celebrate!!! Cheers!

I'm Trully Home!!!

Photo Credit: Flickr

8 comments:

Yas Jayson said...

sabihin mo sa mama mo itago muna sa baul yung pc...ahehehe para after 50 years, mas mahal na ang presyo nyan sa market!

[yas]

Anonymous said...

@ elayas

haaha.. nagagamit ko na nga ngayun eh.. pero nagpaparinig pa din si mama na aksya sa kuryente.. hahahaha!!!

Rakz said...

ang cute ng kulay ng blog mo ngaun..un nga lang nakakapanibago..hehehe..

ung tungkol naman sa PC..ahaha! Ang kuleht ng nanay mo! Ang cute! Para tuloy kayong mga bata na pinipigilan sa paglalaro..hihihi..

GOd bless nak!!

janelleregina said...

=))))) Kulit ng nanay mo. Natawa naman ako dun sa garbage bag na naka-takip sa computer. Haay laughtrip.

Nako. Dapat talaga may easter egg hunt din para sa mga di na bata. hahahah Kakamiss din mag egg hunt =)

RedLan said...

welcome back cute gerald. uy, maraming pagbabago sa pagbalik mo. Pinaghandaan mo talaga 'to no. Unang-una, tumaba ka, (medyo mahal ang fern-c, tag 7 php plus) Pangalawa, bago ang lay out mo. Bagay sa summer. Mainit kasi, pero feeling ko napalibotan ako ng trees dito.

Si fjordz naman ang nawawala ngayon. Nagpalitan ba kayo ng shift? hehehe. Sabihin mo sa nanay mo, tapos na ang holy week, Next year na lang siya magfa-fasting sa inyo sa pag-gamit ng puter. Walang pasok kaya ngayon.

Tinuruan mo si Kookoo ng pagpalit ng layout at nagka-wendang yn sa kanya. Buti okay na ngayon, medyo malinis na pero siya na lang ang makulay at hindi ang blog niya. hehehe. joke!

arjay said...

lupet ng version ng fasting ni nanay. hehe

Gerald Tipones said...

@ mamarakz

haha.. opo nakakapanibago nga, nilinis ko po kasi yung look niya.. less borloloy ang ginawa kong light.. hehe

mizu!

@ janelleregina

yup easter egghunt for adults only.. haha.. kakamiss nga din po! haha those days!!!

@ redlan

grabe sa haba ng comment ha. haha. tsalamatz

nkikibagay din ang blog ko po eh.. summer look na haha. unintentional lahat to. parang natripan after hiatus.. ahaha mukhang bongga ba? hehe

si fjordz kasi po, nagtatrabaho na po.. mayabang yun eh convergys kasi kaya di nakakapagupdate aahaha

kay ate kookoo, hindi nya kasi makuha yung babagay sa kanya kaya ganun.. hahha.

TY ulit

@ roerure

fasting ni mama yun sa bayad sa meralco. ahahaha

Anonymous said...

hehehe, medyo di na desperado...