nagstart na ako kahapon!
300 hours OJT ko.. at napadpad kaming 8 na magkakaklase sa Makati sa MEGAWORLD. haha
luckily, hired kami lahat nung nag-apply kami last week. kahit na one liner lang sagot ko sa mga interview! hahaha di kasi ako prepared non. isang mejong lukot na resume ko pa dala ko nun para mag-inquire tapos yun exam na pala tapos interview!! what!? haha.
si MAM KAITEE aka ate kates ang interview samin nung una, di ko alam kung seseryosohin ko o hindi, kasi naman ka-yfc ko yun. haha pero nag-pormalan naman kami. at dinugo ako ng mga panahong yun. wala akong masagot.
Imagine nio outfit ko nun- tshirt, tapos maong pants tapos naka-chucks pa ako na halos 3 buwan ko nang di nilalabhan at hindi pa ako nagpapagupet non! mukha akong kawawa non. pinagtitinginan kami, pano naka-corporate attire sila..
pero syempre kahapon sa first day talagang nag-prepare ko, haha..
bagong slocks, polo, shoes, socks, undies, and panyo. haha tapos new hairstyle pa ako. dapat may award akong best outfit for OJT. hahaha
and syempre, I WANT TO INTRODUCE TO ALL OF YOU MY NEW FRIENDS:
si Elevator, Fax, Xerox machine, Puncher, Stapler, Papers, Envelopes and Folders!
SA 28TH FLOOR PALA AKO. ayun buti anjan si Elevator. madalas bababa ng Ground tapos puntang 3rd. paulit-ulit yun haha.
hahah sinisipag din ako mag-OJT, may mga kasabayan kasi kaming nag-OJT na syempre.,
maganda. hahahah
mababait sila, may topak lang minsan. hahaha
yun lang muna.
1 comments:
I feel that is one of the so much significant information for me.
And i'm glad reading your article. But wanna observation on some basic things, The site style is perfect, the articles is actually great : D. Just right task, cheers
my site - Orlando Fl contractor
Post a Comment