Tuesday, February 12, 2008

Happy Birthday to me!

grabe. February 12 na. isa lang ibig sabihin non! birthdaay ko na! waaaaaah! 19 years old na ako nabubuhay sa mundong ito! hindi ko lubos maisip yon! ambait ng diyos! yeah! wohooo!!!

sa mga may surprise jan, haha nakapagplano ba kayo? gusto ko yung makapagbabagdamdamin ha. pati yung mga may regalo, kahit 80gig na ipod or iphone, n95 pwede din? PSP? nintendo wii, isang mac-notebook? PC! kahit pang-tuition ko, sagot mo na ayos lang sa akin! hehe.

wish!? natutuwa ako kasi yung mga wish ko eh hindi para sa akin. kakaiba noh!? pero di ko na yun sasabihin dito.. hehehe.. GudBoi nga daw pala ako.. sabi yan ng isang napaka-importanteng tao sakin heheh.. nakow!! hmmmmmmmmmmmmmm!!!!

hehe sige, itong post na to is open to share your wishes to me! sabihin mo yung wish mo sa akin by commenting on this post mapa-multiply man o blogger... ok!?? hahah maaappreciate ko yun!

21 comments:

Dear Hiraya said...

my wish to kuya gerald??

hmmm...

ayun.. sana maging masipag na siya hindi yung puro tulog lang ang ginagawa hahahaha! pag ginising mo akala mo gising na yun pala umungol lang tapos tulog pa rin tsk tsk!!

sana maging masipag na siya.. super tamad kasing bata hahahaha!!! akalain mong maghuhugas na lang ng kinainan ay kinatatamaran pa! tsk tsk!! at ako parati ang inuutusan sa bahay!! tsk tsk!! mag-aral ka na ah??

sana hindi ka na makupad kumilos.. ay grabe!! as in GARABE!!! kumilos yan.. magpaplantsa na nga lang ay aabutin pa ng tatlong oras.. as in THREE HOURS sa pagpaplantsa ng kanyang polo at pantalon lang na uniform.. madalas niya pang ireklamo na hindi matinong plantsahin ang pantalon niya tsk tsk!!!

sana maging masayahin ka naman!! grabe ka naman kasi pag nasa bahay.. akala mo pinagsakluban ng langit at lupa.. alam mo brad.. ang problema hindi siniseryoso yan.. kita mo ako.. 'emo' na hahahahaha!!! basta wag kang padadala sa emosyon.. wokie dokieh??

sana tumaba ka na!! hahahaha!! ni wala kang clevage (tama ba spelling?? nakakabobo naman mag-english dito!! hahahaha) pag nakita mo yung dibdib ni gerald para kang nakakita ng wall hahahaha!! joke lang!! tataba ka rin!! kumain ka lang ngf kumain!! sana hindi mapunta yun sa buto mo dahil parang tumatangkad ka lang ng tumatangkad pero di naman tumataba!! kabaligtaran ng nangyayari kay nick bwahahahahahaha!!

sana maging successful ka sa tinatahak mong landas ng pag-ibig!! wooossshoooo!!! nanliligaw ka na ba?? o ikaw ang nililigawan??? bwahahahahhaha!! tawa talaga ako ng tawa ngayon hahahaha!!! kumusta na ang panliligaw?? o ang pag-ibig?? hahahahaha!!! hay naku ge!! hahahahaha!!!

sana dumami pa ang masugid mong mambabasa!! yahoooo!! successful blogger na tong kabatak ko!!! galing galing!!!

sana maging mas makulit ka pa!! hahahaha!!! kasi mas masaya kapag mas makulit ka hahahhaaha!! basta wala lang murahan ha?? kahit whisper whisper lang hahahahahhaa!! dami mo kasing tinuturo sa akin e.. ayan tuloy... hahahahhaa!!!

sana maging matino ka na hahahaa!! wag mo na akong turuan magmura o uminom ng beer alak at kung anik anik pa hahahaha!! pag tayo nahuli nina GJ at Nick naku!! patay patay na talaga hahahahaha!! e si kookoo pa?? baka maiuntog pa tayo sa pader nun!!! Bear Brand na lang inumin natin hahahahaha!!!

Sana maging successful ka sa acads mo... naks!! honestly natuwa ako sa balita mo kanina na ikaw ang highest sa quiz niyo ba yun sa klase?? congrats brad!! lam ko namang pinaghihirapan mo lahat e..go lang ng go!! kaya nating pagsabayin ang service at acads!! saka para saan pat naging magkakabatak tayo as evps kung hindi rin naman tayo magtutulungan di ba (teka, may naitulong na ba ako sayo liban sa pagpupuyat ko dahil sa kakulitan mo?? bwahahahahhah!!!)

sana maging succesful din ang campus tour niyo this week (tama ba?) lam ko pinagdasal mo yun ng taimtim at p[areho niyong pinaghirapan ni Nick na maisakatuaparan yun.. dont worry .. we'll be there to support you guys kung kailangan niyo kami...

sana maging successful din ang term mo as president next school-year.. oha oha!!! advance na advance ang wish ko sa yo... syempre!!!

sana maging masaya ka everyday.. lam mo kasi halata sayo kapag malungkot ka.. kung minsan nga di ko lam kung papano ka kakausapin kasi pag-uuwi ako sa bahay at madadatnan kang nakasimangot.. nakakalungkot din.. lam ko pare-pareho tayong may mga problema araw-araw but kung kaiilangan mo ng tenga na makikinig sayo,.. dito lang ako ipapahiram ko sayo yung sa akin.. dalawa pa to... linisan mo na lang din hehehehe... SMILE!!

sana.. kahit hindi man kita nabigyan ng space sa blog ko kasi hindi ko rin alam (well... well.. welll.. pag-iispan ko pa hahahahha) e sapat na tong miniblog ko dito sa comment box mo!! hahahaha.. sana sa mumunting regalo kong ito (with matching teary-eyes) ay naipinta ko ang kaunting ngiti sa pisngi mo (may ketchup ka pa yata boi patanggal na lang). At sana, kahit magkalayo man tayo ngayon (anjan ka sa FEU, dito ako sa TIP) ay parang lagi parain tayong magkasama (huhuhuhu!! parang lovers in paris lang ah hahahahhaa!!!).

Basta boi, sorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sayo.. yung gitara mo kung nabali ko man yun (kung ako man talaga ang salarin nun...) mapapalitan ko rin yun sa heaven hahhahaha... sorry kung hindi kita naiupagplantsa kanina ah kahit na gusto mong ipagplantsa kita ng uniform mong pagkalapad-lapad!!! at sorry din kung hindi kita nasabayan umalis kanina sa bahay dahil super duper late na talaga ako at 830am ang pasok ko 10am ka kumusta naman yun??.. sorry din kung minsan nababalewala kita sa bahay dahil kaming 5 ang pinakagwapo at ikaw ay gwapo lang hahahahaha!!!! sorry din kung minsan hindi kita ma-entertain kahit na pinasasayaw mo na ako at ako'y nahihiyang sumayaw... wala talaga kasi akong talent na ganun eh.. sorry kung nauuubusan ka ng pasensya kapag tinuturuan mo akong mag-gitara dahil bobo talaga ako at mabagal makapick-up... sorry kung iniiwan kita sa pagkain o kayo ni khen o ng mga housemates hehehe... kasi iniiwan niyo rin ako gumaganti lang ako hahaahahaha!! sorry kung napapalapit ako sa MINAMAHAL mong si _ _ _ _!! HAHAHAHA! di ko naman sinasadya yun.. close friend lang talaga kami.. hahahahahah!!! sorry kung marami na akong nagwang pagkukulang sayo ah??? dont worry.. babawi ako sayo hahahahah!!

hay naku ge.. di ko talaga alam kung ano ibibigay ko sayong gift.. wala naman kasi talaga akong pera... pero sana naAPPRECIATE mo tong maliit kong gift na to sayo...

EVERYDAY, I always want you to smile. Pag nakikita kasi kitang nakangiti, masaya na rin ako. Siguro, sa bahay, ikaw yung may pinainspiring na ngiti. Ewan ko ba.. naiinlab ako sayo pare hahahahaha!! seriously, alam ko lahat ng tao ganun sayo... kaya ipakita mo lang yang ngiti mo sa mundo ang the whole world will kneel down to you in 10 yrs... ay sowee sowee and the whole world will be smiling back to you.. ooooo di ba... naks!!! ganda ng mesage ko sayo pare!! itreasure mo yan ah hahahaha!!

kung ano man ang prob.. andito lang ako.. kung ano mang pagkaing meron ka jan.. andito lang din ako pagsasaluhan natin yan... kung may pera ka man jan.. domnt worry we can all spend it(libre mo ko ah?? hahaha!!)

Sige na.. andami ko pang gustong sabihin sayo.. maraming marami.. hahahaha kaya lang baka sabihin ng mga fellow blagista natin eh ikaw yung nililigawan ko.. eeeewwwww!! si kookoo nga nalink na sa akin dito hahahaha!!! baka pati ikaw rin.. iwas muna tayo sa isyu.. pero oks lang yung sa amin ni kookoo kasi natawag akong MATIPUNO hahahaha!! courtesy of kuya redlan hahaha!!

sige na.. mas mahaba pa tong message ko sayo kesa kay kookoo ah kaya wag ka nang magtampo.. mahal ka namin brad!! salamat at naging bahagi ka ng magulo naming buhay!! hahahaha!! wish you more blessing to come.. more projects sa career mo as stuntman.. more happiness... more GIRLS!! hahaha at more GAYS!! hahahahaha!!! INGATZ ka parati!! I have been always proud that I belong to your circle of friends...aba.. birds with the same feathers flock together.. e di mukha na rin akong mabait kasi mabait ka.. hahahaha.. o tama na ang mga papuri.. sa susunod na arw.. pagkatapos ng bday mo.. bukas.. lilibakin naman kita ah?? hahahaha!!

adios!!

keep it up brad!!

You'll always in our prayers!!

God bless sayo!!!

http://hiraya.co.nr

Anonymous said...

happy birthday!

Anonymous said...

uy! 19 ka na? bakit mo sinabi yung age mo? may pamahiin ata jan...lagot ka! hehehe

anyway, happy birthday!

RedLan said...

isang libro ang comment ni fjordz, grabe. hehehe

wish you the best and goodluck!

arjay said...

wish ko sa'yo? hmmm... yung kagaya na rin ng wish ni fjordz, hehe.
Happy Birthday!

Rcyan said...

HAPPY BIRTHDAY PO, KUYA GERALD!!! KAYO PO 'YUNG MAKULIT NA MASTER KO NOONG PM LAST YEAR, DI PO BA??? SANA AY DUMAMI PA ANG LAHI N'YO... GOD BLESS! DOMINUS VOBISCUM!!! ^-^

napunding alitaptap... said...

ang daming sinabi ni fjordz, mas mahaba pa sa blog mo...

anyway, ge, basta maging masaya ka...

iyo na yung iPod ko.. 30 gig lang yun....

tsaring.... basta masaya ka, yun na basta... oi, bawal magkalablayp sa termino mo ha... wahaha...

wahaha!

napunding alitaptap... said...

wahaha... bawal! wahaha!

Anonymous said...

@ fjordan allego

hindi ko alam ikokoment ko.. andami kasi eh kamote naman.. hahaha tawa ako ng tawa dito sa e-lib namin para akong tanga.. hahahahahahah hay nako salamat na lang.. teka pwede naman i-copy paste mo na lang yang wish mo sa blog mo, geh na.. para massaya hahahaha

@ drahcir

saalamat

@ yarnhoj

TY

@ kuya redlan

super mega thankyou!

@ arjay

haha.. salanmat tol

@ rcyan

hahaha teka sino ba yuo? PM ng tip? FEU?? hahahah xnxa na memory gap ang lolo.. anu ba yan high nako

@ napunding alitaptap

hahaha kahit na sabihin mong bawal, wala ka na sa skul hahaha tsaring lang yun!?! hahaha



THANKS to ALL!!! wooh!!! I love you all!!!!

wishes pa! kahit umabot to sa 100+ comment!!!!!

mschumey07 said...

Happy Birthday Gerald! Saan ang party? I hope you enjoy your special day.

Anonymous said...

Parang Blog entry yung comment ni parang Fjordz.. api virdie! toma na!!! :D

Anonymous said...

dahil sabi fjord na bday mo raw, makikibati na rin akow! Hapi bday! Painom ka!

Ogster said...

Maligayan Bati!!!

Anonymous said...

Hey'yah! Happy 19th Birthday... Kuya! hahaha!


Inuman na!!!

Anonymous said...

may nangangampanya para batiin ka ng

happy birthday!!

pasalamat ka may ganoon klase kang kaibigan..

na mas mahaba ang comment sa post mo..

:)

Anonymous said...

happy happy birthday bhie! haha namiss ko tuloy mga kulitan natin nila yatch.. ;]


hope you enjoyed your day!
always stay safe..good luck sa service,career at love life.. ;]

~riz

Anonymous said...

pi bday master!!!!!!!
aun...sana ngustuhan mo ung gift ni kuya fjordz..hehe..este gift ko pla..hahay....spongebob! spongebob!
la lng..kyut kc nung color..
colorful!waahehe..parang ikaw..
makulay ang buhay! nakz...kaw ba naman ang mging YFC..talgang kukulay ang buhay mo..aun!sana mgamit ng buong hauzm8s ung pillow..hehehe..este magamit mo pla! handy naman dba?khit san pwedenga dalhin..khit pumupupu ka at gusto mo panag matulog, dalhin mo lng xa sa cr..hahaha...kaso kaderder na un paglabas mo sa cr..hehe!
nway...wish u ol da best master!
lahat ng wish ni kuya fjordz sau, wish ko nrn..hehehe! (grabe..nobela)
sana nga tumaba kna..pero lam ko malapit lapit na un..salamatz sa fern-C! ahaha..

pi hapi hapi bday!
JIMLY!

Rakz said...

elow gerald!!! HABURDEI!!!!!!! Hehehe.. Astig ung comment ni Fjordz..parang blog entry na. Nyahehe..

anyways..ung wish ko? hmm...

sana maging fruitful and colorful ung termino mo as YFC FEU president this coming school year! Together with God kaya mo yan nak! Hehehe..

Sana magkaroon pa tyo ng bonding moments. Nakalimutan kong itext kyo ni kookoo nung pumunta ko sa FEU nung sat..

Sa lovelife naman, kaya mo na yan..haha! Marami ka pang dapat mahalin lalo na pag president ka na..kaya intindihin mo n lang pag di pa ipinahintulot ni Papa Jesus..=D

Stay blessed and healthy ah! God bless sayo! Bee hapi! Hehhe

Yas Jayson said...

maligayang kaarawan dakilang manlalakbay ng buhay. ;)

magpatuloy ka sa pagtugtog ng mga awiting nagbibigay sa yo ng buhay. astig ka rakistang desperado.

solo dios basta!

ahahaha basta kapag meron kayong youth forum sali ako ah?! walang magawa kasi dito sa seminaryo kundi tumakas at maglagalag sa kalye ng katipunan. :)

i wish you all the luck, happy friendship, more meaningful blogs at kaastigan sa pagiging musikero ni kristo.

isang hamak na ka-blog,

[yas]

Anonymous said...

@ mschumey07, ferbert, ayel, ogie

waaahhh.. maraming salamat sa wishes at pagbati grabe... saya ko

@ chio petilla

haha tagay na ng beer brand! yeah

@ kingdaddyrich

haha. talagang nangampanya si allego!? wow tats naman me.. garabe ka fjordz! aun salamat po kingdaddyrich!

@ riz

hui ano na year mo jan sa CEU? bisita ka naman dito FEU hahahaha dami na namin oh!haha tnx!

@ can

haha tnx sa unan.. hehe xempre alam na kung bakit yon binigay mo sakin hahahah.. hmmm.. saka kamuka mo pa si spongebob! peace hahahah tataba talaga ko noh.. best example ka ng pagtaba kasi nag-take ka ng fern-c! hehehehehe

tnx!!!! ehem
sayo JIMLY sakin JAMLY hahaha text ko sayo meaning

@ mamarakz

haha thank you po sa wish nyo, nawa eh maging fruitful nga naman ang term ko next S.Y haha wish ko din yun eh..

haha tnx ulit po!!!

@ elayas

pare nakakatats yang message mo.. at natutunan mo na ang Solo Dios Basta. astig!

galing! hehe hope to meeting you soon!!!!



waaaaaaaahh.. teary eye..
salamat sa mga pag-bati niyo especially kayong mga bloggers.. yeah its an honor..garabe.. natouch talaga ako.. angsayasaya ko talaga as in!!! hahahahaah

salamat! 143 all!

sige comment paa!!!! hehehe

Kris Canimo said...

better-late-than-never ang drama ko. lol hahaha parang prevention-is-better-than-cure lang eh, well ... hapi beerday kapatid!

(pasintabi kay fjords... haba nun ah)